Sunday, January 16, 2011

ang tshirt na kulay pula


Hindi ko na namalayan ang oras at mga araw na lumipas limang araw na lang isang taon na pala kaming walang ama ni lao. Hindi ko iniisip at hindi ko rin tinanong ang dios kong bakit kailangan kaming iwanan ni papa sa napaka mura pa naming edad. Basta siguro nasanay na kami sa loob ng isang taon na wala ng mapag-mahal na ama ang gigising sa amin tuwing umaga. Pinilit naming tatlong kayanin. Nagdasal kami ng taimtim at malaking tulong yon. Ginagawa ko na ang ibang bagay na dati ay ki papa lang. ako na ang nag-papainit ng tubig na pampaligo ni mama at gumagawa minsan ng sunny side up. 

Sinulog festival noon lingo at nag simba kami nina mama. Ayaw ni mama na nalelate sa simbahan kaya umuna na kaming tatlo nina lao. May kabagalan sa pagbihis si papa. Isang katangian ng mga instik na sabi ni tito papa na namanan nya sa kanilang namayampang ama. Pero hindi naman nahuili si papa sa mesa ng lingong iyon. Pamilya naming ang nangangalaga sa poon ng sto. Nino dito sa divine mercy parish ng calabanga. Masaya ang araw na yon habang nanood kami ng ati-atihan dance ng dumating si papa. Sabi nya natakot sya sa cellphone ko dahil ng pindutin nya ang mms message isa iyong larawan ng actual na sto nino sa cebu kaya dali dali na syang nagbihis at pumunta sa simbahan. Yon na ang pinakahuling beses na nakasama namin si papa sa simbahan para magsimba. Lumaki kami na tuwing Sunday at wala silang pasok ni mama sa simbahan nag sisimba kami. 

Sa totoo lang hindi ko naman malubos maisip kong bakit kami masyadong nalungkot ng sobra sa magkasunod na pag panaw ni ate at ni papa. Umiyak kami ng sobra ni lao dahil sa malungkot na pangyayaring iyon pero sa paglipas ng mga araw ay tumigil na din kami. Sabi ni mama ay masama ang sobrang pag iyak. Sabi ng mga matatanda ay masama ang sobrang pag –iyak. Sabi ni mayor yu ay tama na ang pag-iyak. Malaking tulong siguro ang pagkakaroon namin ng trabahong  makapagbibigay saamin ng mapag-kakaabalahan. Trabahong inakala kong madali pero hindi naman. Naging busy din si lao dahil isa na syang school nurse ngayon. Sayang at di man lang nya na I treat si papa. 

Sa pagpanaw ni papa naiwan kaming tatlo nina mama. Masasabi kong sabog dati ang bahay namin tatlo. Hindi naman sabog ang sabi nila pero sa tingin ko ay sabog at makalat ang mga gamit. Sa tulong ng aming mga pinsan ay unti-unting nalinis at nabuo ang aming masukal ng bahal. Sinimulan sa pag alis ng mga damit at laruan ng aking kapatid at sa mga personal na gamit ni papa. Pinutol din nila ang mga kahoy sa paligid ng aming bahay kaya medyo mainit na. bago pa ang unang anibersaryo ni ate napatapos na naming tatlong ilipat at pagpalit-palitin ang magkakaharap naming mga pintuan. Ngayon ay hindi na sila magkakaharap. Kong dati ay pinoproblema ni papa ang aming mamasa-masang firewall ngayon ay ok na din ito. Ginastos namin sa bahay ang mga pera sa social security na naiwan ni papa at ni ate at sa syempre sa aming  mga regular na sweldo. Kong dati ang sala namin ay isa ngayon ay dalawa na kaya nag dagdag na din ng ibang mga gamit. Ang kwarto ni ate ay naging sala na at ang sala at balcony ay naging bagong kwarto na namin ni mama. Sabi ni tito papa noong pasko malaki ang ipinagbago ng bahay naming tatlo hindi naman ako kumibo dahil sa isip ko ay hindi naman para pininturahan lang inilapat pinagpalitpalit at pinihit ang mga gamit dito ang mga tao ay tatlo pa rin kaya walang nag bago.

Dahil sa magkasunod na pagpanaw ni ate at ni papa halos naubos o talagang naubos ang savings namin sa bangko sa hospital bills nila. On the spot sinabihan kami ng doctor na aparatu na lang ang bumubuhay sa kanya at pinapauwi na kami ora mismo dahil sa aneurism pero hinintay naming sabihin ng doctor na wala na sya kaya tatlong araw pa si papa sa hospital at hindi ko namalayan na wala na pala sya. Binili naming lahat ng sabihing gamot ng mga doctor at binantayan sya kasama ng mga pinsan ko at si mama. Inuwi naming dalawa ni lao si papa kay mama na patay na. yon ang pinakamasakit na masakit na araw sa buhay ko. Ilang litro kaya ng tubig ang lumabas sa mata ko. Maraming marami yon. Malaking tulong ang mga remittances ng mga kamag-anak namin at sa mga regular na sweldo naming sa pagbayad nito. Kong dati hindi ko mawari kong bakit nga ba kami nag ka utang ng halos hangang leeg at lampas tao na sa hospital at sa credit card ngayon ay totally erase na ito at di ko na pinoproblema. Masasabi kong kunting tiis na lang mababayaran na naming tatlo ang mga ito dahil maliit na lang sila. Ki mama ko natutunan ang tamang pag budget. Kaya ngayon isang taon at kalahati na kaming walang masyadong luho ni lao. Luho na ang mga tsinelas at gadgets pero pinaputol na ang internet dahil may libreng wifi naman na nasasagap minsan. Walang mga out of town travel na milya-milya ang layo pero pwede mag travel pag may sponsor. Binawasan din ang budget sa pagbili ng mga bagong damit dahil isang taon na kaming black lang ang kulay. Akala ko noon ay hindi naming tatlo makakaya lalo na dahil hindi naman talaga ganun kalakas si mama dahil naka recover lang sya sa stroke at may diabetes sya sabi ng doctor. Kong dati ay nakocollect ko ang mga toys sa mcdonalds ng buo ngayon ay binawasan na din ang pagpunta sa mcdonalds. natutunan ko na ding kumain ng tinapay sa kanto. Kong dati ay sa bakeshop sa ciudad ngayon ok na kahit anong tinapay. May pagbabago din sa buhay ni lao. Kong dati ay hindi sya nag bibitbit ng mga grocery bag o kaya mamalengke sa public market ngayon ay kayang kaya nya na pati pagluto. Sa kanya ang notebook na ginagamit ko sa pag update ng blog na ito. Parang limang araw pa lang yata nya itong nabibili. Ang hindi ko na lang mabago ay ang pagkain ng gulay. Kong bakit nga ba kasi hindi ko masyadong friend ang gulay. Pero siguro dadating ang panahon matututunan ko din syang mahalin.

Ito ang taon ng birthdays, father’s day, mother’s day, Christmas at new year na wala na kaming ama at tatlo na lang kami pero Masaya naman kaming tatlo. Sarado lang parati ang bahay namin. Gabi lang  may tao. Sa loob ng isang taong pagkawala ni papa at habang nasa opisina ako hindi ko naiisip na talagang wala na sya. Parang nandyan lang sya malapit lang. malapit lang naman talaga ang bagong bahay ni ate at ni papa isang sakay lang.  sa gitna ng napakalakas na ulan at lamig ng panahon ngayon bukas ay sinulog festival na at tulad ng dati si lao ay busy na. nakahanda na din ang mga gagamiting bulaklak sa karo ng nino. Marami na din syang candy. At si kleo ay may bago na syang damit na kulay pulang polo at pants. At dahil hindi pa kami pwedeng gumamit ng pula bukas ay kulay berde ang isusuot naming tatlo.