You don't need a special place or special time to pray. You don't need to be in a special mood to pray. Praying is like breathing, - continuous, essential, life-giving, - praying is the conversation with God you start with birth and continue into old age. Praying is your celebration of God, - everything you do, everything you think, everything you say is another word, another sentence of your prayer.
Wednesday, February 23, 2011
Sunday, January 16, 2011
ang tshirt na kulay pula
Sinulog festival noon lingo at nag simba kami nina mama. Ayaw ni mama na nalelate sa simbahan kaya umuna na kaming tatlo nina lao. May kabagalan sa pagbihis si papa. Isang katangian ng mga instik na sabi ni tito papa na namanan nya sa kanilang namayampang ama. Pero hindi naman nahuili si papa sa mesa ng lingong iyon. Pamilya naming ang nangangalaga sa poon ng sto. Nino dito sa divine mercy parish ng calabanga. Masaya ang araw na yon habang nanood kami ng ati-atihan dance ng dumating si papa. Sabi nya natakot sya sa cellphone ko dahil ng pindutin nya ang mms message isa iyong larawan ng actual na sto nino sa cebu kaya dali dali na syang nagbihis at pumunta sa simbahan. Yon na ang pinakahuling beses na nakasama namin si papa sa simbahan para magsimba. Lumaki kami na tuwing Sunday at wala silang pasok ni mama sa simbahan nag sisimba kami.
Sa totoo lang hindi ko naman malubos maisip kong bakit kami masyadong nalungkot ng sobra sa magkasunod na pag panaw ni ate at ni papa. Umiyak kami ng sobra ni lao dahil sa malungkot na pangyayaring iyon pero sa paglipas ng mga araw ay tumigil na din kami. Sabi ni mama ay masama ang sobrang pag iyak. Sabi ng mga matatanda ay masama ang sobrang pag –iyak. Sabi ni mayor yu ay tama na ang pag-iyak. Malaking tulong siguro ang pagkakaroon namin ng trabahong makapagbibigay saamin ng mapag-kakaabalahan. Trabahong inakala kong madali pero hindi naman. Naging busy din si lao dahil isa na syang school nurse ngayon. Sayang at di man lang nya na I treat si papa.
Sa pagpanaw ni papa naiwan kaming tatlo nina mama. Masasabi kong sabog dati ang bahay namin tatlo. Hindi naman sabog ang sabi nila pero sa tingin ko ay sabog at makalat ang mga gamit. Sa tulong ng aming mga pinsan ay unti-unting nalinis at nabuo ang aming masukal ng bahal. Sinimulan sa pag alis ng mga damit at laruan ng aking kapatid at sa mga personal na gamit ni papa. Pinutol din nila ang mga kahoy sa paligid ng aming bahay kaya medyo mainit na. bago pa ang unang anibersaryo ni ate napatapos na naming tatlong ilipat at pagpalit-palitin ang magkakaharap naming mga pintuan. Ngayon ay hindi na sila magkakaharap. Kong dati ay pinoproblema ni papa ang aming mamasa-masang firewall ngayon ay ok na din ito. Ginastos namin sa bahay ang mga pera sa social security na naiwan ni papa at ni ate at sa syempre sa aming mga regular na sweldo. Kong dati ang sala namin ay isa ngayon ay dalawa na kaya nag dagdag na din ng ibang mga gamit. Ang kwarto ni ate ay naging sala na at ang sala at balcony ay naging bagong kwarto na namin ni mama. Sabi ni tito papa noong pasko malaki ang ipinagbago ng bahay naming tatlo hindi naman ako kumibo dahil sa isip ko ay hindi naman para pininturahan lang inilapat pinagpalitpalit at pinihit ang mga gamit dito ang mga tao ay tatlo pa rin kaya walang nag bago.
Dahil sa magkasunod na pagpanaw ni ate at ni papa halos naubos o talagang naubos ang savings namin sa bangko sa hospital bills nila. On the spot sinabihan kami ng doctor na aparatu na lang ang bumubuhay sa kanya at pinapauwi na kami ora mismo dahil sa aneurism pero hinintay naming sabihin ng doctor na wala na sya kaya tatlong araw pa si papa sa hospital at hindi ko namalayan na wala na pala sya. Binili naming lahat ng sabihing gamot ng mga doctor at binantayan sya kasama ng mga pinsan ko at si mama. Inuwi naming dalawa ni lao si papa kay mama na patay na. yon ang pinakamasakit na masakit na araw sa buhay ko. Ilang litro kaya ng tubig ang lumabas sa mata ko. Maraming marami yon. Malaking tulong ang mga remittances ng mga kamag-anak namin at sa mga regular na sweldo naming sa pagbayad nito. Kong dati hindi ko mawari kong bakit nga ba kami nag ka utang ng halos hangang leeg at lampas tao na sa hospital at sa credit card ngayon ay totally erase na ito at di ko na pinoproblema. Masasabi kong kunting tiis na lang mababayaran na naming tatlo ang mga ito dahil maliit na lang sila. Ki mama ko natutunan ang tamang pag budget. Kaya ngayon isang taon at kalahati na kaming walang masyadong luho ni lao. Luho na ang mga tsinelas at gadgets pero pinaputol na ang internet dahil may libreng wifi naman na nasasagap minsan. Walang mga out of town travel na milya-milya ang layo pero pwede mag travel pag may sponsor. Binawasan din ang budget sa pagbili ng mga bagong damit dahil isang taon na kaming black lang ang kulay. Akala ko noon ay hindi naming tatlo makakaya lalo na dahil hindi naman talaga ganun kalakas si mama dahil naka recover lang sya sa stroke at may diabetes sya sabi ng doctor. Kong dati ay nakocollect ko ang mga toys sa mcdonalds ng buo ngayon ay binawasan na din ang pagpunta sa mcdonalds. natutunan ko na ding kumain ng tinapay sa kanto. Kong dati ay sa bakeshop sa ciudad ngayon ok na kahit anong tinapay. May pagbabago din sa buhay ni lao. Kong dati ay hindi sya nag bibitbit ng mga grocery bag o kaya mamalengke sa public market ngayon ay kayang kaya nya na pati pagluto. Sa kanya ang notebook na ginagamit ko sa pag update ng blog na ito. Parang limang araw pa lang yata nya itong nabibili. Ang hindi ko na lang mabago ay ang pagkain ng gulay. Kong bakit nga ba kasi hindi ko masyadong friend ang gulay. Pero siguro dadating ang panahon matututunan ko din syang mahalin.
Ito ang taon ng birthdays, father’s day, mother’s day, Christmas at new year na wala na kaming ama at tatlo na lang kami pero Masaya naman kaming tatlo. Sarado lang parati ang bahay namin. Gabi lang may tao. Sa loob ng isang taong pagkawala ni papa at habang nasa opisina ako hindi ko naiisip na talagang wala na sya. Parang nandyan lang sya malapit lang. malapit lang naman talaga ang bagong bahay ni ate at ni papa isang sakay lang. sa gitna ng napakalakas na ulan at lamig ng panahon ngayon bukas ay sinulog festival na at tulad ng dati si lao ay busy na. nakahanda na din ang mga gagamiting bulaklak sa karo ng nino. Marami na din syang candy. At si kleo ay may bago na syang damit na kulay pulang polo at pants. At dahil hindi pa kami pwedeng gumamit ng pula bukas ay kulay berde ang isusuot naming tatlo.
Monday, December 20, 2010
kasali na ba ako?
Killua: Santa Claus...kasali ba ako sa list mo ngayong pasko?
![]() |
| this is my brother and santa way back 2007 :) |
Santa Claus: Sige...i got to check on my dbase of whose good and bad this year...have you been good through out the year killua?
Killua.....is it too late to negotiate?
Santa Claus: have to think of it....what you want for christmas?
Killua...Santa, you know what i really wanted and i do I know I wasn't a good person this year but I didn't kill anyone either and you know how bad I wanted to... that should count for something right?
Santa Claus: Still....i need to check it out...
killua.....geeeeezzzzzzzzzzzzzz
when i was a kid and i guess until now...i do believe there is a real santa claus! nakikipag-away pa ako non sa mga kaklase kong lalaki dahil hindi sila naniniwala kay santa. They said...there's no real santa claus...its our mom and dad who wrapped those things and put them under the chirstmas tree. Lalong hindi ako naniwala ng sabihin ng yaya na wala si mommy mo ang santa claus...Pag christmas alam kong dadaan sa chimney si santa claus. siguro dahil yon sa disney channel o kaya sa cartoon network kaya ako naniwala na mayron talaga and my mind havent change and still believing there is a real santa claus. Pag sinasabi ng mga kaklase ko na wala talaga sinasabi ko na baka makulit ka o you've been bad kaya di dumadaan si santa sainyo :)
Honestly...i miss santa's usual present for me. Matagal na akong hindi isinasali ni santa claus sa list nya kahit napakabaha ng wish list ko that was when i finished school and got my first job. nawala na lang syang bigla at di na sya dumadaan sa chimney. Buti pa si lao parati syang kasali sa list ni santa until now. i write a letter to santa three years ago i asked him why a sudden change. have i done wrong...he reply via email you've been good i know but i laid off rudolf and dancer and even prancer too because they got drunk all way back here and i asked them why the heck....they answered it was killua who made us drink she said it was ice tea but then it wasnt.... have you been really good killua? i reply him back....i can explain everything santa...i have no idea how it happened...:))
and then last year i send him my wish list thru email and he replied...instead of asking for things this christmas, start by saying thanks for the things you already have! oh my....nakalimutan mo na ako talaga.
Monday, December 13, 2010
nagagalit na si mom :)
| ito si santa claus sa ilalim ng aming xmas tree |
haysss....pinagalitan ako ni mom...kulang na daw ang oras ko sa bahay namin. sige nga e-review nga natin kong kailan nga ba ang pinakahuling araw ng magkita kita kami nina sabado at lingo....
nagsimula sa pasabi-sabi ng kailan nyo aayusin ang christmas tree malapit ng mag pasko dapat mayron na noong nagsawa sya sa pagtingin sa fully loaded kong planner at pagsabi sa akin na wala ka na namang sabado at lingo ngayong october....bakit hindi ka nagrereklamo? ano ba yang office nyo...wala na bang ibang tao dyan? kailan ka mag gogrocery? pilit ko man sabihin sa kanyang iba na ngayon mom nag bago na ang schedule sa office at di na uso ang holiday sa panahon ngayon nagkibit balikat lang ako at dumiritso sa pag impake dahil na ka book ako sa diliman para sa school. hangang matapos ang october at nag november na. late na ako nakauwi para sa all souls day dahil masyadong maraming assignment sa school at maraming project proposals na ginagawa sa office....sabi nya lang sa call ay pasalubong ko at magagandang flowers para ki papa at ate mo. wala naman syang sinabi na ano ba yan. siguro ng araw na yon ay happy mode sya kasi nautusan ko si lao mag grocery...
biglaan ang pagbabago ng schedule ko sa UP at sa office at sa training at sa mga speaking engagement ng big boss sa manila. walong beses akong pabalik balik ng manila sa loob ng isang buwan hangang sa sinabi nyang wala pa din tayong christmas tree november na...yong mga kapitbahay natin may christmas tree na tayo na lang yata ang walang christmas tree. na save ang galit dahil nag birthday si lao at na kumpleto kaming tatlo sa shakeys monster meal. pero tulad ng october wala pa ding lingo at sabadong naganap sa mga oras na yon. ibig sabihin 60 days na deritsohang trabaho ang naganap.
| ito na ang ayos ng christmas tree ngayong umaga. |
| ako yan :) |
kaya umuwi ako ng maaga....bumili ng mga kakailanganin para sa christmas tree....binawasan ng kunti ang layers nito...nag polish din ako ng floor kaya makintab na...pinalitan ang ibang christmas lights dahil sira ng iba...nilagay ang mga christmas balls at toys....nagsisimula na din sa christmas list...sinamahan ko na din sai lao sa dentist hays nakakapagud man ang isang buong magdamag na walang tulugan para pagbayaran ang araw sa pamilya na isinilbi ko sa iba fulfilling ito dahil sa wakas mayron na kaming christmas tree....tuloy na ang christmas....
Sunday, December 12, 2010
CBDRM ...last na to!
Huling araw na namin ngayon para sa pinakahuling CDBRM training ni papa EU ngayong taon sa barangay Sibobo. Hindi naman nakakapagud ang training dahil sama-sama ulit ang team. Isa ako ulit sa mga facilitator para dito at tulad ng dati sa pangalawang pagkakataon sa akin ulit nakaatang ang disaster Risk management basic concept. Sa nakikita nyong larawan talagang ganyan ang pag conduct ng CBDRM Training. Hindi advisable ang pag gamit ng multimedia dito kaya drawing at sulat ever ang nagaganap. Salamat na lang dahil mula ng magsimula ako sa dagdag na gawaing ito naisulat na sa kartolina na ang mga topics.
| standing infront of the young |
| ito ang topic ko :) |
Masasabi kong nawiwili ako sa ganitong gawain. Nakikihalubilo sa komunidad, nakikinig sa ibang mga nagdidiscus sa unahan. Natuto ako sa mga tao at sa kapwa ko facilitator at higit sa lahat na share ko yong mga natutunan ko sa training. Hindi ko naiiwasan syempre ang hindi mangulit sa likuran lalo na kong inaantok na ako. Hindi na ako si killua nyan kong walang kulitan na magaganap. Ang pinaka una kong pag facilitate ay nangyari don sa barangay bonot sta. rosa tatlong araw pakatapos kong magsanay nito lamang nobyembre . Pang tatlong coastal barangay na ito sa bayan ng calabanga kong saan sinasabing bulnerable ang buong kumonidad dahil ang mga bahay ng tao ay nakatirik malapit sa dagat.
Kalimitan sa mga komunidad na napuntahan ko na para mag facilitate sa training ay pawang lugar ng mahihirap. Ang bahay ay yari sa light materials. Maraming members sa isang pamilya. Minsan tulad ng sa Sabang mayron isang pamilya na may twelve na anak. Nakakalungkot isipin pero yon ang kulang sa akin. Naturingan akong isang taga calabanga pero hindi ko alam na may pamilya dito na ganon karami ang myembro. Naiisip ko pano ang pag kain nila ng sabay sabay sapat ba ito o kaya pano sila natutulog sa maliit na bahay? Hindi ako lumaki sa calabanga yon ang pinakadahilan kong kaya hindi bukas ang aking kamalayan sa social at economic condition ng komunidad.
Oo ngat nasa calabanga na ako ngayon nagtatrabaho at nakatira pero ni minsan ay di ko naranasan makihalubilo man lang o pumunta sa barangay. Swerte nga ako ng minsan sinama ako ni ate sindhy sa punta tarawal at don sa balatasan. Kasali nga ako sa planning department pero mas priority namin kong pano at ano ang mga plans and programs na kailangang ipatupad. Busy din kami sa meetings at trainings at pag gawa ng mga project proposals. Yon ang buhay ko. Pasok sa office…siguraduhing online ang network. Gumagana ang ecenter at may wifi sa lobby… pag ok na ang network….gawa ng proposals…kausapin ang mga dapat kausapin…paghusayin ang report na isasubmit sa mga funder…gumawa ng feasibility study… maghanap ng pwedeng maging donor at maki link sa ibat ibang national agencies, mag collate ng mga accomplishment report ng bawat departamento. Kong baga sa kalawakan kami ang center ng solar system.
| ako yan....ang saya dito |
| si ate elsa...fire officer sya CF din katulad ko. |
| si kuya jude..SB member CF din :) |
| si kagawad empoy ito :) |
Ay teka ka nakakahalata na ako. Mukhang marami na akong naishare….maliligo na ako dahil malelate na ako baka dumaan na ang service.
Cyah!
Thursday, December 9, 2010
pano na sina bumblebee?
its christmas! at pag christmas maraming toys and gifts na pinapabili si mom...ilan taon ko na ding nakakasanayan ito at kinalakihan as in malaking malaki. Uso sa amin si santa claus minsan nga ilang beses syang bumabalik sa bahay namin. kong bibilangin ang mga toys na pinabili nya para samin ni lao malamang mayaman na mayaman na ang wallet ko...oy kuya sira na ang wallet ko nakasama kasi sa washing machine...sa lahat ng robots dahil robot lang naman ang hinihingi ko sa kanya si bumblebee lang ang paborito ko. kaya lang ngayong taon may pagbabagong magaganap. wala daw toys para samin ni lao ngayong pasko at ang masaklap pinapa baba na ni mama mula sa ceiling ng bahay ang mga laruang nakasako at kasama sa nakasako si bumblebee. pinasako nya ang mga bagay bagay na magpapaalala ki topher at lahat ng toys na binili ni papa para sa akin dahil mula ng namaalam sila masyado daw masakit makita ang mga bagay na may kaugnayan sa dalawa. kaya pinababa na ibibigay kasi sa school don sa malapit sa min para sa chirstmas giving daw sa charity. nalulungkot ako hindi dahil mauubos ang toys....nalulungkot ako dahil baka o tiyak na isasama ni mom si bumblebee dahil hindi na bagay sa akin at kaya ko daw bumili kahit apat na bumblebee pero mahal na mahal namin nina topher si bumblebee. para ding sa commercial ang nangyayari sabi nya may mga batang mapapasaya ng mga toys mo.
noong nasa senior high school pa ako gustong gusto ko pag ber season na dahil mahaba ang winter recess sa school matagal din ang bakasyon ni mom at ni papa sa office kaya matagal kaming magsasama -sama syempre at tuwang tuwa kami ni topher pag may ticket na pabalik ng bahay. dahil sa bahay na maraming magagandang toys at may mom at papa nararamdaman kong bata pa rin ako.
kaya ang wish ko ki santa sana ngayong pasko wag na ni mom ipasama si bumblebee sa charity box.
Monday, December 6, 2010
hey killua...what are you up to?
Thursday, December 2, 2010
if you're in my shoe
I finally waved goodbye to papa yesterday…I know I need to let him go… its time to let him go... i know we can make it without him. if you’re in my shoe I guess you’ll do the same…I keep on coming back to his grave…saying hello, and I miss you and I love you…papa left without saying goodbye to me that day he went home to the lord. I need him to my side…if ever god would grant me a wish I want to embrace him tight. I love my papa more than my mom. When I was a kid he was the one who took care of me in the absence of mom because she is busy with work and stuff. He was the one who pick me up after school. There are days that papa will leave and won’t come home for a month or two and if that happens I always ask mom when is he coming back. mom therefore said soon to stop me from asking her when... but yesterday was different...i know he is not coming back...And now I am letting him go to where his real home is.
Sunday, June 6, 2010
happy fathers day papa
You never said I'm leaving
You never said goodbye
You were gone before I knew it,
And only God knew why
You never said goodbye
You were gone before I knew it,
And only God knew why
A million times I needed you,
A million times I cried
If Love alone could have saved you,
You never would have died
A million times I cried
If Love alone could have saved you,
You never would have died
In Life I loved you dearly
In death I love you still
In my heart you hold a place,
That no one could ever fill
In death I love you still
In my heart you hold a place,
That no one could ever fill
It broke my heart to lose you,
But you didn't go alone
For part of me went with you,
The day God took you home.
But you didn't go alone
For part of me went with you,
The day God took you home.
happy fathers day papa :) law and i misses you so much.
Thursday, February 25, 2010
saranghamnida papa!
It has been six months since the last time i stand here in front of you grieving for my sister ate babette. The wound is still fresh and were not yet fully recovered and now here i go again today grieving as i waved my final goodbye for papa. It has been a great journey with my papa. He didnt tell me how to live. He lived and let me watch him do it. He was just a simple man who will give everything for his family and i guess there isn’t an apt word that could describe how hardworking he was because indeed he is. I never imagined in my whole life that one day i will wake up without a father. It never came across my mind either. It was him who taught me how to pray while we were growing up he had been a mom and a father to me. Its hard to live in a world where everybody is busy but to papa we were never a burden to him that's why he quit his job and focus to business so he will have more time with us and he can take of me. That night before hes dead we were planning about his upcoming birthday celebration and we were so happy.
Maninibago kami sa umaga dahil wala ng sunny side up favorite pa naman ni mom yon. Nobody will wake my sister’s up because she will be late in the office...maybe i just drag you by the hair addy. Wala na din goodnight little ones and good morning sleepy head. Come out the sun is waiting. I will always remember papa as a loving father. Sayang di ka man lang nakaexperience how is it to have a grandchild of your own and yong wish mo just like uncle awel na makapaglaba ng inihian ng magiging mga apo mo.
When ate babette die papa said it is bad to cry that much because it is not healthy and it will look you pangit but every day that passes, every night we used to see him inside ate babette’s room praying and embracing my sister picture and indeed he was crying. I know they are together now. Happy and watching us.
I want to thank all of you for comforting us in our bereavement. For my papa's family in candon city who traveled that far just to be with us. To nanang, uncle boy, aunty elsa, mommy lita, kuya marlon, ate madel, uncle popoy, aunty vangie, kuya jr, mama bing, ate lee, kuya mc thank you so much.
And that too for my mom's family. Nanay pining, aunty floy, mama iya, uncle jhun, aunty besing, uncle Mario, uncle ely, aunty malyn, aunty pura, dada calo, mama dolly, uncle awel sa lahat ng mga pinsan ko lalo na ki ate loida, mga cousin thank you!
Sa mga inaanak ni papa. Kuya obet, ate jen, kuya miyas, ate joy, ate iyang, kuya marcial, kuya leklek, ate iya salamat po saindo. Sa lahat ng mga kapitbahay naming salamat po sainyo.
All of you have been very supportive in our family. Saying thank you isnt enough. And i dont know how to pay you back but for now thank you is the very best word.
I want to say thank you too to auntie nana, lola paring, ate francia, kuya eloy, batsoy, jao, nono for they didn’ leave us during the wake, for preparing the food and the dishes and the house of course thank you so much po saindo.
To nono and dandan thank you sa gabos. CBSUA staff thank you for letting us barrow your tables and chairs. Sa mga may ari ng mga sasakyan. Maraming salamat po.
And to all of you here present today who have been praying for us your prayers gave us strength to face this trials were facing right now. Salamat pong maray.
To father jovi who is always there for me, dudoi thank you for everything and thank you too to your mom and dad. To mayor evelyn yu, madam thank you so much. Addy will be back to office soon don’t worry i know they’re very busy on the office right now. Tito Ed and tita norms, LGU officials and employees thank you.
Maybe some of you will question why is this happening to us but i dont look for any explanation why god take them too soon. All i know is that it is gods will and it is his plan.
I want to thank papa for giving me and addy the best he could afford. For loving me and addy and topher that much. You have been a good provider and a role model to me. To tell you honestly in my 21 years i never experience a hard hand of him he didnt even hit me even once and i guess same also to addy right? He was a very kind and loving father.
Syempre matagal mawawala ang sakit dahil mas doble ngayon pero kakayanin naming dahil sabi mo nga dapat parating malakas at matatag. Mamimiss ka ng mga bata dahil ang alam nila tulog ka lang dahil birthday mo at marami ka ng candy sa ref.
Sainyo po lahat ipray nyo naman po na makayanan naming itong pagsubok na ito. And i hope that now that papa is gone everything stays the same. Iniimbitahan po naming kayo pagkatapos ng libing may tanghalian po sa bahay namin. We will be glad to see you there.
I am now ready to said goodbye to you papa. Your space in the family will have a great void but we will try to move on and be strong. Don’t worry papa we can take care of ourselves and promise to learn things you want us to learn and dont worry about mom too we will take care of her. May god take you in his hands papa. I will miss you but we are letting you go. Rest well and hava goodnight.
It will be hard from now on and it will be much painful but even so we have to make it through. Sarang hamida papa!
You will always be in our heart.
Subscribe to:
Posts (Atom)

