Sunday, December 12, 2010

CBDRM ...last na to!

Huling araw na namin ngayon para sa pinakahuling CDBRM training ni papa EU ngayong taon sa barangay Sibobo. Hindi naman nakakapagud ang training dahil sama-sama ulit ang team. Isa ako ulit sa mga facilitator para dito at tulad ng dati sa pangalawang pagkakataon sa akin ulit nakaatang ang disaster Risk management basic concept. Sa nakikita nyong larawan talagang ganyan ang pag conduct ng CBDRM Training. Hindi advisable ang pag gamit ng multimedia dito kaya drawing at sulat ever ang nagaganap. Salamat na lang dahil mula ng magsimula ako sa dagdag na gawaing ito naisulat na sa kartolina na ang mga topics.
standing infront of the young

ito ang topic ko :)
Masasabi kong nawiwili ako sa ganitong gawain. Nakikihalubilo sa komunidad, nakikinig sa ibang mga nagdidiscus sa unahan. Natuto ako sa mga tao at sa kapwa ko facilitator at higit sa lahat na share ko yong mga natutunan ko sa training. Hindi ko naiiwasan syempre ang hindi mangulit sa likuran lalo na kong inaantok na ako. Hindi na ako si killua nyan kong walang kulitan na magaganap. Ang pinaka una kong pag facilitate ay nangyari don sa barangay bonot sta. rosa tatlong araw pakatapos kong magsanay nito lamang nobyembre . Pang tatlong coastal barangay na ito sa bayan ng calabanga kong saan sinasabing bulnerable ang buong kumonidad dahil ang mga bahay ng tao ay nakatirik malapit sa dagat. 

Kalimitan sa mga komunidad na napuntahan ko na para mag facilitate sa training ay pawang lugar ng mahihirap. Ang bahay ay yari sa light materials. Maraming members sa isang pamilya. Minsan tulad ng sa Sabang mayron isang pamilya na may twelve na anak. Nakakalungkot isipin pero yon ang kulang sa akin. Naturingan akong isang taga calabanga pero hindi ko alam na may pamilya dito na ganon karami ang myembro. Naiisip ko pano ang pag kain nila ng sabay sabay sapat ba ito o kaya pano sila natutulog sa maliit na bahay? Hindi ako lumaki sa calabanga yon ang pinakadahilan kong kaya hindi bukas ang aking kamalayan sa social at economic condition ng komunidad.
ako yan....ang saya dito
Oo ngat nasa calabanga na ako ngayon nagtatrabaho at nakatira pero ni minsan ay di ko naranasan makihalubilo man lang o pumunta sa barangay. Swerte nga ako ng minsan sinama ako ni ate sindhy sa punta tarawal at don sa balatasan. Kasali nga ako sa planning department pero mas priority namin kong pano at ano ang mga plans and programs na kailangang ipatupad. Busy din kami sa meetings at trainings at pag gawa ng mga project proposals. Yon ang buhay ko. Pasok sa office…siguraduhing online ang network. Gumagana ang ecenter at may wifi sa lobby… pag ok na ang network….gawa ng proposals…kausapin ang mga dapat kausapin…paghusayin ang report na isasubmit sa mga funder…gumawa ng feasibility study… maghanap ng pwedeng maging donor at maki link sa ibat ibang national agencies, mag collate ng mga accomplishment report ng bawat departamento. Kong baga sa kalawakan kami ang center ng solar system. 

si ate elsa...fire officer sya CF din katulad ko.
Nong nag aaral pa ako sa malayong lugar ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang salitang vulnerability at risk ng isang komunidad. Yon ay dahil pawang mayayaman ang mga taong nasa paligid ko. Minsan nagka hurricane oo pero pagkagising ko sa umaga balik sa dati yong community ang nagbago lang ay yong hitsura ng mga puno at halaman na nawalan ng dahon at nabalatan tapos yong bahay naman na nasira ay inayos agad so balik sa normal at wala naman don pakialaman sa buhay at bahay ng bawat isa ang importante sa kanila ay may pera at may insurance na mag aayos at sasagot sa danyos perwesyos na dala ng isang kalamidad. Samantalang ngayon dito sa calabanga….tama nga talaga si kuya mc ng sinabi nyang wow nagbabago na ang perception ko sa buhay kaya di na ako bata. Dito kailangan pag-aralan ang lahat ng bagay. Kailangang bukas ang isip parati sa maaring mangyari. Mga bagay na di ko naman pinapakialaman tapos ngayon ay inaalam ko na. kong dati ang sinasabi ko ay e ano ngayon at wala akong paki-alam ngayon tila malaki na nga daw ang ipinagbago ko.

si kuya jude..SB member CF din :)
Nagsimula ang change of perception ko sa mga bagay bagay tungkol sa kumunidad at kalagayang panlipunan ng minsang pinakuha ako ni tita norms na kasalukuyang boss ko ng larawan sa isang community drill. Sabi ko nga non bakit may drill…kaartehan lang yata ito. Di naman ako mahilig magbasa non ng climate change pero napapanood ko na ito dati pa sa iwitness at sa the correspondents sa tv. Tapos may pinasagutan ang tawag pala sakin non ay observer. Tapos naging curios ako. So nagbasa na ako tapos nanood at nagsubaybay sa mga webisode at episode sa tv patungkol sa disaster. Tapos pumasok na ang gawad kalasag yon mas nahasa at kinaharap ko at mas naintindihan ko na ang buong konsepto. Hangang sa marami ng drills at trainings akong nadaluhan. Sa makatuwid masasabi kong malaki ang impluwensya ng drills sa pagbabago ng perception ko. Dati pakuha-kuha lang ako ng picture tapos pasagot sagot sa mga tanong na pang observer pakatapos kong kumuha ng larawan ilalagay ko na sa CD tapos lalagyan na ng label gagawa ng report isasubmit ki boss tapos kong may pag gagamitan ng larawan mag papaalam sa mga tauhan ni papa EU na gagamitin ko ito tapos akalain mong ngayon isa na kong community facilitator ay inatasan na magdiscuss ng DRM basic concept. Sabi ni lao ay wala sa katauhan pero nagagampanan ko naman sabi nila. At di lang pala yon sa pagsama-sama ko naman sa bundok kong saan naroroon ang mga mais na tanim nina kuya nakahalubilo ko rin ang mga obrero. Kadalasan isang buong pamilya o pami-pamilya ang inuupahan para magtanim ng mais. Kadalasan mga bata na nakikilaro sa psp at masayang nagpapakuha ng larawan kasama ng mga sako at pinagbalatan ng mais.


si kagawad empoy ito :)
Alam kong napakalayo ng konsepto ng disaster risk management sa information technology at robotics. Pero di mo ba naiisip na pwedeng mag connect ang dalawa? Kong ang mga elanguage ay may concept ang drm ay may concept din at malapit lang ang meaning nila try mo…. Sa DRM walang sabado at lingo sa office lahat ng araw ay lunes lang at wala ng iba.

Ay teka ka nakakahalata na ako. Mukhang marami na akong naishare….maliligo na ako dahil malelate na ako baka dumaan na ang service.
Cyah!

No comments: