Monday, December 13, 2010

nagagalit na si mom :)

ito si santa claus sa ilalim ng aming xmas tree
haysss....pinagalitan ako ni mom...kulang na daw ang oras ko sa bahay namin. sige nga e-review nga natin kong kailan nga ba ang pinakahuling araw ng magkita kita kami nina sabado at lingo....

nagsimula sa pasabi-sabi ng kailan nyo aayusin ang christmas tree malapit ng mag pasko dapat mayron na noong nagsawa sya sa pagtingin sa fully loaded kong planner at pagsabi sa akin na wala ka na namang sabado at lingo ngayong october....bakit hindi ka nagrereklamo? ano ba yang office nyo...wala na bang ibang tao dyan? kailan ka mag gogrocery? pilit ko man sabihin sa kanyang iba na ngayon mom nag bago na ang schedule sa office at di na uso ang holiday sa panahon ngayon nagkibit balikat lang ako at dumiritso sa pag impake dahil na ka book ako sa diliman para sa school. hangang matapos ang october at nag november na. late na ako nakauwi para sa all souls day dahil masyadong maraming assignment sa school at maraming project proposals na ginagawa sa office....sabi nya lang sa call ay pasalubong ko at magagandang flowers para ki papa at ate mo. wala naman syang sinabi na ano ba yan. siguro ng araw na yon ay happy mode sya kasi nautusan ko si lao mag grocery...

biglaan ang pagbabago ng schedule ko sa UP at sa office at sa training at sa mga speaking engagement ng big boss sa manila. walong beses akong pabalik balik ng manila sa loob ng isang buwan hangang sa sinabi nyang wala pa din tayong christmas tree november na...yong mga kapitbahay natin may christmas tree na tayo na lang yata ang walang christmas tree. na save ang galit dahil nag birthday si lao at na kumpleto kaming tatlo sa shakeys monster meal. pero tulad ng october wala pa ding lingo at sabadong naganap sa mga oras na yon. ibig sabihin 60 days na deritsohang trabaho ang naganap.

ito na ang ayos ng christmas tree ngayong umaga.
ngayon ay december 13 na. ibig sabihin nyan ay labing tatlong araw na namang diretsohang pagtatrabaho ang nagaganap. wala pa ding weekend at puro lang lunes ang araw sa kalendaryo ko. at kahapon bago ako pumunta sa sibobo nakatikim na ako ng matinding galit.... hindi lang isa...kundi dalawa sila....una si lao...ito ang dialogue....ki.....wala pa tayong list for chirstmas...bakit di pa tayo nag lilista para sa grocery...pamilya na muna kaya... matagal ng walang sabado at lingo...sabi mo sasamahan mo ako sa dentist...bakit parating puro na lang promise....di naman natutupad...bakit parang hindi christmas sa bahay natin... si mom naman ay ganito...aalis ka na naman..hindi mo ba alam na kailangan mong magsimba...matagal ka ng hindi nakakasama sa pag simba. nagsisimba ka nga tuwing wednesday lang....lingo...lingo anak ang pag simba...lingo ang pahinga.....at ang christmas tree...itapon na ang christmas tree...malalaman mo na lang december 28 na tapos na ang christmas. at ngayon di mo ba alam ngayon? araw ito ng pag-ka aksidente nyo ni papa mo...kailan ka titino addy...kailan ka titigil...mag resign ka na nga sa work mo....tignan mo ang kulay mo....malayo na sa dati mong kulay....blah....blah...blahhh.....valentine na lang wala pa din tayong christmas tree.... yan ang mga litanya sa umagang kay ganda!
ako yan :)

kaya umuwi ako ng maaga....bumili ng mga kakailanganin para sa christmas tree....binawasan ng kunti ang layers nito...nag polish din ako ng floor kaya makintab na...pinalitan ang ibang christmas lights dahil sira ng iba...nilagay ang mga christmas balls at toys....nagsisimula na din sa christmas list...sinamahan ko na din sai lao sa dentist hays nakakapagud man ang isang buong magdamag na walang tulugan para pagbayaran ang araw sa pamilya na isinilbi ko sa iba fulfilling ito dahil sa wakas mayron na kaming christmas tree....tuloy na ang christmas....

1 comment:

scotland hudas said...

makulit ka kasi killua yan ang napapala hehehhe bawasan ng kunti...malaking malaki na nga ang pinagbago mo :) peace!