Thursday, December 9, 2010

pano na sina bumblebee?

its christmas! at pag christmas maraming toys and gifts na pinapabili si mom...ilan taon ko na ding nakakasanayan ito at kinalakihan as in malaking malaki. Uso sa amin si santa claus  minsan nga ilang beses syang bumabalik sa bahay namin. kong bibilangin ang mga toys na pinabili nya para samin ni lao malamang mayaman na mayaman na ang wallet ko...oy kuya sira na ang wallet ko nakasama kasi sa washing machine...sa lahat ng robots dahil robot lang naman ang hinihingi ko sa kanya si bumblebee lang ang paborito ko. kaya lang ngayong taon may pagbabagong magaganap. wala daw toys para samin ni lao ngayong pasko at ang masaklap pinapa baba na ni mama mula sa ceiling ng bahay ang mga laruang nakasako at kasama sa nakasako si bumblebee. pinasako nya ang mga bagay bagay na magpapaalala ki topher at lahat ng toys na binili ni papa para sa akin dahil mula ng namaalam sila masyado daw masakit makita ang mga bagay na may kaugnayan sa dalawa. kaya pinababa na ibibigay kasi sa school don sa malapit sa min para sa chirstmas giving daw sa charity. nalulungkot ako hindi dahil mauubos ang toys....nalulungkot ako dahil baka  o tiyak na isasama ni mom si bumblebee dahil hindi na bagay sa akin at kaya ko daw bumili kahit apat na bumblebee pero mahal na mahal namin nina topher si  bumblebee. para ding sa commercial ang nangyayari sabi nya may mga batang mapapasaya ng mga toys mo.

noong nasa senior high school pa ako gustong gusto ko pag ber season na dahil mahaba ang winter recess sa school matagal din ang bakasyon ni mom at ni papa sa office kaya matagal kaming magsasama -sama syempre at tuwang tuwa kami ni topher pag may ticket na pabalik ng bahay. dahil sa bahay na maraming magagandang toys at may mom at papa nararamdaman kong bata pa rin ako.

kaya ang wish ko ki santa sana ngayong pasko wag na ni mom ipasama si bumblebee sa charity box.

1 comment:

lawrence said...

si bumblebee ay mananatiling asawa mo habang buhay! hahahahaha